| Leave a Comment

✪ Paano Maging Maswerte sa Negosyo?

Kung minsan swerte, kung minsan talagang malas lang.

Yan ang karaniwang kasabihan. Subali’t, bilang isang gipit na negosyante, hindi maiiwasang sumagi sa isip kung meron bang paraan kung paano mas maging swerte kaysa malas?

Sa totoo lang, bakit may mga negosyanteng tila napaka swerte, samantalng meron namang mga tila madalas ay minamalas?

Ayon sa negosyo experts ng Technology Resource Center (TRC), talagang may sikreto sa likod ng swerte ng isang negosyante. Ang maganda nito, ang swerteng ito ay nakasalalay sa mismong negosyante at hindi sa ibang external na bagay.

At ang pinaka maganda pa, kung wala ka nito, pwede kang magkaroon, pwedeng matutunan, at habang tumatgal ka bilang negosyante, pwede kang maging mas maswerte.

At narito ng sikreto...
: Ang sikreto ng ma-swerteng negosyante ay ang kanyang masidhing paninidigan na gawing oportunidad ang bawat problema, kaahit ano mangyari. Sa madaling salita, hindi sila papayag na basta na lang maging biktima ng kamalasan.

Kung kailangan baliktarin ang mundo, gagawin nila makatakas lang sa tiyak n pagkalugi. At kung sakali namang wala talaga silang magagawa, ay pinaag-aaralang mabuti ang pagkakamail, at sinusumpa sa sarili na hinding hindi na ito mauulit sa hinaharap. Sa madaling salita, ang isyu ng swerte ay nakasalalay sa karakter ng negosyante. Kung kaya mong i-adjust ang iyong karakter, kaya mo rin kontrolin ang swerte.

MATUTONG UMASA SA SARILI 
mas miserableng posisyon sa buhay kungdi yaong palagi na lang nakaasa sa tulong at magagawa ng iba. Ito ang dahilan kung bakit dapat ay alam mo ang pasikotsikot ng iyong negosyo at hindi yung nakaasa ka sa mga propesyunal o mga eksperto. Mangyayari lang ito, kung magdedesisyon ka simulat sapul na magiging matiyaga sa pag-aaral ng iyong negosyo at matiyaga sa pagtuklas ng bagong pananaw at paraan. Ang huling desisyon ay sayo. Ang huling iyak at huling halakhak, ay sa’yo din. Mag-isa kang nangarap umasenso kahit may mga kontra-bida. Maging kumporteable ka rin mag-isa sa pagsugpo ng iyong mga problema sa negosyo kahit may isang libong eksperto pa na nakikialam sayo. Dahil sa bandang huli, kahit gaano mo man pilitin, hindi mo maiiba ang katotohanan na nagiisa ka sa responsibilad mo sa sarili na umasenso, at ang iyong pananaw mula sa iyong kakaibang perspektibo ay tunay na kakaiba na syang pwedeng panggalingn ng iyong pambihirang diskatre, na para sa hindi nakakunawa ay pambihirang swerte.

MAGING MATIYAGA SA PAKIKISAMA SA IBA
Okey lang humingi ng tulong sa mga taong mas matalino sa iyo, subalit dapat mong isaisip na pagdating sa iyong sariling negosyo, walang dapat mas eksperto pa, o mas matalino pa kaysa sayo. Sa pakikisama mo sa mga tauhan, sa kaibigan, kamag-anak at iba pa, tandaan mo na ang dahilan mo ay hindi para umasa sa kanila o pasayahin sila. Ang nais mo lamang ay mangalap ng maraming opinyon, suhestiyon at pananaw upang magamit mo sa panahon ng pag-iisip. Tandaan mo naa mas madalas na ang opinyon ng iba ay walang kwenta bagamat paniwalang paniwala sila dito. Kung minsan mao-offend sila pag hindi mo sinunod ang kanilang payo, lalo na kung kamag-anak mo sila o kaaya’y eksperto. Bilang negosyante, dapat mong ipakilala sa kanila na hindi mo paniwala na ikaaw lang ang matalino, kungdi ipaalam mo sa kanila na my sarili kang diskrte at timing ng desisyon. Pinakikinggan mo aang lahat subalit sa bandang huli, sariling desisyon ang pinaiiral mo at walang dapat masaktan sa prosesong ito.

MATUTONG HUWAG MAG-PANIC 
Kapag nasa bingit ng panaganib ang iyong negosyo, hindi miiwasang maakaramdam ka ng panic o pagka-bagabag. Subali’t, bilang negosyante, wala kang karapatang namnamin ito. Sa halip ay dapat mong matutunan na maging manhid sa panic at magpaka linaw ng isip sa kabila ng lahat. Malulugi ka kung malulugi ka. Ng maalaking pagkaakamali ay mahirap iwasto lalo na kung kaunting panahon na lang ang natitira sayo. Subalit kung hindi ka magpa-panic, nagkakaroon ka ng tsansa na bigwasan kapalarn, at baka sakali makakita ka ng kaunting pag-asa, at isang pamatay na diskarte. Isang mainam na paraan para maiwasan ang panic ay ang mag-pokus ka sa maliit na mga detalye ng iyong trabaho o negosyo kung saan ka magaling. Halimbawa, kung magaling ka sa accounting, ito aang gawin mo. Sa ganitong paran, marerelax ka, makapagpapahinga ang iyong isip, at sa sandaling ito posibleng magkaroon ka ng kakaibang insight o kaunawaan na syang magdidikta sayo ng kakaibang solusyon sa iyong problema.

Syempre pa, kapag nalusutan mo ang problemang ito, sasabihin ng iba, napakaswerte mo!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...